Tuesday, August 21, 2018

Huwag Kang Mapagod Kaibigan

"Napapagod akong mamalengke mag isa.. 
.. nakakapagod magbuhat ng para sa isang linggo supply na kailangan ng walong matanda at     
   dalawang bata
.. nakakapgod isipin ang pakiramdam ng may kasama mamalengke na magbubuhat ng higit   
   sampung kilo mong pinamili
.. nakakasawang makakita ng mga mag-asawang magkasama.."

Sa kabila nito.. alam kong MAPALAD AKO

wag kang mapagod mamalengke kahit mag-isa, dahil mapalad ka na meron kang perang pambili habang ang iba ay wala...

wag kang mapagod sa mga gawaing bahay, mapalad ka dahil ang iba ay walang tahanan..

wag kang mapagod kung may sakit ang iyong asawa, dahil mapalad ka na sya ay kapiling mo pa  habang sa iba ay pumanaw na...

wag kang mapagod kung nawalan ka ng asawa..
mapalad ka dahil ang iba ay nawalan din ng anak..

wag kang mapagod kung nawalan ka ng asawa at anak..
mapalad ka sa iyong mga magulang, kapatid, kamag-anak at kaibigan
habang ang iba ay lumaki na sa ampunan, iniwan na sa home for the aged, o di kaya'y napilitang mag pakupkop sa gobyerno dahil sa naranasang pang-aabuso..

wag kang mapagod kung isa ka man sa kanila, dahil mapalad ka na may kumukupkop sa iyong institusyon habang ang iba ay namamatay ng mag- isa sa kalsada na walang nakakapuna..

wag tayong manatili sa pagkapagod, bagkus bilangin natin at ipagpasalamat ang mga biyaya na bigay ng Dakilang Lumikha

No comments:

Post a Comment