24 October 2016
Hamad Medical Corporation -- Heart Hospital
Mag-iisang buwan na mula ng tumigil sa pagtibok ang puso nya. May mga tumawag, sabi nila "Bilisan mo, pumunta na kayo ng mga bata dito." Kahit hindi nila sinabi, alam ko sa likod ng isip nila, "Bilisan mo, baka hindi niyo na siya abutan."

Pero sinong makakasukat ng kapangyarihan ng AMA? Mag-iisang buwan na, pero andito siya, patuloy na nagpapalakas at lumalaban. Walang araw na hindi ko nasasaksihan ang pagmamahal ng Diyos sa kanya... sa amin.
Mag-iisang buwan na mula ng dalawang ulit na tumigil ang puso nya. Mag-iisang buwan na din mula ng dalawang ulit syang niligtas ni LORD. At ang pinakamadalas na tanong sa loob ng isang buwan: "Kumusta na si Glenn A. Bagtas? Gising na ba sya?"
Sabi ng Siyensya:
Clinically unresponsive; Glasgow Coma Scale : 7;has undergone tracheostomy; still breathe with the help of a ventilator; Heart: stable ; had undergone angioplasty and stent placement; Reflexes: gag, coughing, blinking reflex, negative babinski reflex; reacts to pain; with spontaneous eye opening and closing; Brain EEG result: still unavailable; will be reassessed by a neurologist three months after his cardiac arrests
Sabi ko naman:
Nagre-respond naman siya. Hindi nga lang ung gustong normal respond ng mga doktor. Hindi pa niya kaya ung on command "Move your finger, move your hand, look to your left or right.." Hindi pa ganoon.
Sa ngayon natutuwa na ko na nakakadilat at nakakapikit na siya ng kusa.
Na nagigising siya kapag tinawag ang pangalan niya o niyugyog siya ng mahina.
Na naghihikab na siya kapag nagigising siya.
Na nagigising siya kapag tinawag ang pangalan niya o niyugyog siya ng mahina.
Na naghihikab na siya kapag nagigising siya.
Na magkaiba ung "blink pattern" o kurap niya sa mga tao na kumakausap sa kanya.
Na may time na naluluha sya pag kinakausap ko siya o ng mga bata.
Na kahapon, October 25, meron akong narinig na mahinang tunog, "rrrrrrr", habang kausap siya ni Cassey.
Na kahapon, October 25, meron akong narinig na mahinang tunog, "rrrrrrr", habang kausap siya ni Cassey.
Na minsan napipisil niya ung kamay ko.
Na sumusunod siya pag sinabi kong, "open your mouth" at pinipilit niyang ilaki ung buka ng bibig niya kahit alam kong nakakapagod iyon para sa kanya.
Na naipipilig niya na ang ulo nya kapag ayaw nya ng "suction tube."
Na kumunot ung kilay niya kahapon, October 25, sa unang pagkakataon.
Na kumunot ung kilay niya kahapon, October 25, sa unang pagkakataon.
Na gumagalaw ung bibig niya kapag sinasabihan ko siya ng "iloveyou" o oras na pa siya naman ang mag "iloveyou" sa mga bata.
Na may isang gising siya na ang lamlam lamlam ng mukha niya at naluha siya nung sinabi kong "Ayos lang yan Daddy, gagaling ka din.. Magtiwala lang tayo kay LORD. Siya ang nagligtas sa iyo noong September 26; Siya din ang magpapagaling sa iyo. "
Kumusta na si Glenn? Mabuti siya, nagpapalakas sa tulong at awa ni LORD. Pasasaan ba, at gagaling din siya.
Kumusta na si Glenn? Mabuti siya, nagpapalakas sa tulong at awa ni LORD. Pasasaan ba, at gagaling din siya.
No comments:
Post a Comment